Nasa 570 QCitizen solo parents ang nakatanggap ng financial subsidy mula sa Lokal na Pamahalaan!
Sa bisa ng Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act, ang kwalipikadong solo parents na sumailalim na sa verification ng Social Services Development Department (SSDD) ay makakatanggap ng P1,000 buwanang tulong-pinansyal sa loob ng isang taon.
Para sa iba pang detalye at impormasyon tungkol sa programa, bisitahin ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1Ly4e656jy/




