Bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Quezon City Government na matiyak ang kaligtasan ng mga QCitizens at ang kaayusan ng mga lansangan, isinagawa ang Anti-Dangling Wires Operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Bahagi ito ng pakikipagtulungan sa Meralco, telecom companies na Globe, Sky, at PLDT, Task Force on Anti-Dangling Wires, at Department of Engineering (QCDE).
Narito ang mga lugar kung saan isinagawa ang Anti-Dangling Wires Operations:
– Batasan (IBP) Road corner Litex, Brgy. Commonwealth
– Hon. B. Soliven St. corner Payatas Road, Brgy. Commonwealth
– Ascencion Avenue, Brgy. Greater Lagro
– P. Francisco St., Brgy. Krus na Ligas
Layunin ng mga aktibidad na ito na alisin ang mga nakalaylay na kable, patay na linya (dead wires), ilegal na koneksyon, at mga delikadong poste na maaaring magdulot ng sunog, aksidente, o sagabal sa mga pedestrian.
Kabilang din dito ang re-tightening at adjustment ng mga low sagging telco wires. Sa pamamagitan nito, higit na nasisiguro ang kaligtasan at kaayusan sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.
Magpapatuloy ang ganitong mga operasyon sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng mas malawak na inisyatiba para sa mas ligtas, maaliwalas, at organisadong lansangan sa Quezon City.




