Nagpulong ang mga miyembro ng Quezon City Mental Health Council kahapon ng umaga.
Ito ang unang pagkakataon na nagtipon-tipon ang council, na nabuo sa bisa ng City Ordinance SP-3158, S-2022 o Quezon City Mental Health Code of 2022.
Sa meeting na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, tinalakay ang iba-ibang programa ng lokal na pamahalaan para mapangalagaan ang kalusugang pangkaisipan at kung paano pa mapapaunlad at gawing mas accessible ang mental wellness services para sa mga QCitizen.
Bahagi rin ng meeting sina City Council Chairperson of the Committee on Health and Sanitation Kristine Matias, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, City Legal Officer Atty. Carlo Austria, Gender and Development Council Office Head Janete Oviedo, at mga kinatawan ng ibang departamento.




