Pagbati sa QC Civil Registry Department!
Ginawaran ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Quezon City Civil Registry Department (QC-CRRD) bilang 2025 Most Innovative Local Civil Registry Office sa nagdaang 4th National Convention on Civil Registration and Vital Statistics (4NCCRVS).
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang inisyatibong nag-automate sa proseso ng birth registration o ang Birth Registration Online (QC BRO) para mas mapadali ang pag-rehistro sa bawat batang ipinapanganak sa mga ospital at lying-in sa lungsod.
Patunay ito ng tapat na serbisyo at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagsulong ng mga makabagong paraan ng paglilingkod para sa QCitizens.
