Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng capital assistance handog ng programang Pangkabuhayang QC!
Aabot sa 757 negosyante mula sa District 5 and 6 ang nakatanggap ng tulong pinansyal ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office.
Nagbigay ng mensahe si Mayor Joy Belmonte sa mga benepisyaryo upang pagbutihin pa nila at mapalago ang kanilang mga negosyo.
Kasama sa programa sina QC-SBCDPO head Mona Celine Marie Yap, Coun. Karl Castelo, at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave.




