Nagtipon-tipon ang mahigit 80 miyembro ng League of Cities of the Philippines (LCP) para sa 75th General Assembly ng organisasyon kahapon.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte bilang LCP Acting National President, kasama sina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Baguio City Mayor Benjamin Magalong at iba pang mga alkalde mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad.
Tinalakay sa assembly ang turnover ng financial assistance para sa mga lungsod na lubhang apektado ng kalamidad.
Nagkaroon naman ng panel discussion ukol sa good urban governance kasama ang mga eksperto mula sa iba-ibang larangan.
Ibinahagi rin ang mahalagang papel ng mga partner ng LCP sa health sector sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan sa bawat lungsod.
Nagsilbing resource speakers sa sessions sina Baguio City Mayor Benjie Magalong, UP National College of Public Administration and Governance Professor Emeritus Alex B. Brillantes Jr., PPP Expert Atty. Alberto C. Agra, Galing Pook Foundation Chairperson Mr. Mel Senen Sarmiento, Philhealth President at CEO Edwin M. Mercado at UNAIDS Philippines Country Director, Dr. Louie Ocampo.
Magpapatuloy ang General Assembly ng LCP ngayong araw para sa election ng 2025 – 2028 LCP National Executive Board.




