Magsalita. Makialam. Makiisa laban sa bullying at diskriminasyon!
Pormal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang pinaigting na kampanya laban sa lahat ng anyo ng bullying at diskriminasyon sa pamamagitan ng B.A.D. ‘Yan!
Sa seremonya, sabay-sabay nanumpa ang mga student leader, guro, at mga administrador mula sa pampubliko at pribadong paaralan bilang pakikiisa upang tuluyang wakasan ang bullying.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng boses ng kabataan sa pagtataguyod ng ligtas na paaralan at komunidad.
Hinimok din niya ang lahat ng school stakeholders na magpatupad ng mga programang susuporta sa layunin ng kampanya.
Kabilang sa mga lumahok sina Majority Floor Leader Aly Medalla, Coun. Nikki Crisologo, Coun. Doray Delarmente, Coun. Ellie Juan, at Coun. Tope Liquigan.
Kasama rin sa aktibidad sina Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit Head Maricris Veloso, at ilang opisyal ng SDO.




