Nagbigay ng mensahe si Mayor Joy Belmonte sa mga administrador ng pribadong paaralan ukol sa mahahalagang isyung kinakaharap ng edukasyon ngayon.
Binigyang-diin ng alkalde ang lumalalang kaso ng bullying at hinikayat ang lahat na makiisa sa kampanyang B.A.D. ‘Yan! laban sa bullying at diskriminasyon.
Kabilang rin sa aktibidad ang panel at open forum kasama ang mga opisyal ng lungsod upang talakayin ang iba pang usapin sa sektor ng edukasyon.
Ang pagtitipon ay idinaos bilang bahagi ng QC Education Summit na pinangunahan nina Schools Division Superintendent Carleen Sedilla at Education Affairs Unit Head Maricris Veloso.




