Happy International Youth Day, Kabataang QCitizens!
Ngayong araw, August 12, 2025, ipinagdiriwang natin ang International Youth Day na may temang “Local Youth Actions for the Sustainable Development Goals (SDGs) and Beyond”.
Binibigyang-diin nito ang mahalagang papel ng kabataan sa pagbuo ng mga pandaigdigang layunin tungo sa mga konkretong aksyon sa komunidad.
Kaisa ang Quezon City Government sa pagtataguyod ng iba-ibang programa na makatutulong sa hanay ng mga kabataan upang malinang ang kanilang kakayahan at maabot ang makulay na kinabukasan.
