Quezon City Jail Female Dormitory, best city jail sa NCR!
Nakamit ng QC Jail Female Dormitory ang Best City Jail of the Year mula sa Bureau of Jail Management and Penology – NCR.
Tinanggap ni JCInsp. Lourvina Abrazado ang parangal kasabay ng seremonya ng ika-34 Anibersaryo ng BJMP-NCR, kung saan nagsilbing panauhing pandangal si BJMP Chief JDIR Ruel Rivera.
Kinilala rin ang Pamahalaang Lungsod Quezon bilang katuwang ng BJMP sa mga programa nito lalo na sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, tinanggap ni Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo ang parangal.




