QCFD, itinanghal na Best Fire District sa NCR!
Muling kinilala ang Quezon City Fire District (QCFD) bilang “Best Fire District” kasabay ng ika-34 anibersaryo ng Bureau of Fire Protection – NCR.
Nanguna sa seremonya si FCSUPT Jaime D. Ramirez, BFP-NCR Regional Director, at nagsilbing panauhing pandangal si Senator Camille Villar.
Kasabay nito, pinarangalan din si Mayor Joy Belmonte at ang Lungsod Quezon bilang isa sa Outstanding Local Government Partners
Kinilala naman ang Barangay Novaliches Proper sa patuloy nitong suporta at aktibong pakikipagtulungan sa mga programa ng QCFD.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng matatag na ugnayan sa pagitan ng QC Government at QCFD upang paigtingin ang pagbibigay ng maasahang serbisyo para sa lahat ng QCitizens.




