Sa ikalawang araw ng Education Summit, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga school head, faculty club presidents, at barangay education committee chairpersons na makiisa sa kampanya laban sa bullying.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagpapanatili sa mga paaralan bilang safe space para sa mga mag-aaral.
Hinimok din ng alkalde ang lahat ng mga attendee na patuloy na maging innovative at isulong ang collaboration para matuldukan ang mga suliranin sa edukasyon.
Nanumpa naman ang mga kalahok na magiging katuwang ng lokal na pamahalaan kontra bullying at discrimination sa paaralan.




