Happy & healthy ang Sunday sa QC!
Tara na’t mag-zumba, mag-jogging, magbisikleta, mag-skating, at mag-ehersisyo sa Tomas Morato sa Linggo, August 17, 2025.
Sumali sa iba-ibang aktibidad at palaro na inihanda ng City General Services Department (CGSD).
Makisayaw sa masayang performances ng MD’s Finest at The General’s Pride at makibirit sa mga kanta ng Parokya ni Vangie handog ng CGSD.
Kaya isama na ang pamilya, barkada, at furbabies ninyo at magkita-kita tayo sa Linggo!


