Nagsilbing commencement speaker si Mayor Joy Belmonte sa graduation ceremony ng College of Nursing at College of Maritime Education ng Our Lady of Fatima University.
Binigyang inspirasyon ng alkalde ang mga nagsipagtapos na patuloy silang magpursigi upang makamit nila ang kanilang mga pangarap.
Pinayuhan niya rin ang mga mag-aaral na iabot ang pasasalamat sa mga taong naging instrumento upang sila ay makapagtapos.
Nanguna sa seremonya sina OLFU President Dr. Caroline Marian S. Enriquez, OLFU Executive Vice President and Vice President for Finance and Administration Services, Mr. Don August O. Santos, at lahat ng opisyal ng unibersidad.
Congratulations, Batch 2025!




