OVERVIEW
Ang physical distancing ay ang pananatili ng pisikal na distansiya sa iba. Binabawas ang malapit na pakikipag-ugnayan sa ibang tao upang iwasan ang pagkalat ng virus. Ang virus ay kumakalat nang tao sa tao sa pamamagitan ng droplets na tumatalsik kapag nagsasalita, umuubo, o bumabahing ang táong nahawa. Umaabot lamang ang mga droplets nang isang metro.
DAPAT GAWIN
- Dapat manatili muna sa loob ng bahay.
- Dapat manatili ng kahit isang metrong (2 dipa) distansiya sa ibang tao sa lahat ng oras.
- Dapat kumaway nalang muna kapag bumati sa mga kaibigan.
- Dapat makipag-text, chat o telebabad na lang kaysa bisitahin ang mga kamag-anak at kaibigan.
HINDI DAPAT GAWIN
- Hindi dapat pumunta sa mga masisikip na lugar at di-mahahalagang pagtitipon.
- Hindi dapat makipagkamay, magyakapan o makipagbeso-beso lalong-lalo’t na sa mga taong mas delikadong mahawaan ng virus tulad ng mga matatanda (65 na taong gulang at pataas) at mga may mahinang resistensiya.
LAGING TANDAAN
- Ang Physical distancing ay isa lang sa mga maraming paraan upang maiwasan ang COVID-19. Gawin din ang mga sumusunod:
- Laging hugasan ang iyong mga kamay ng hindi bababa sa 20 segundo
- Iwasang hawakan ang iyong mata, ilong at bibig
- Umubo o bumahing sa loob ng siko
- Iwasang hawakan ang mga bagay na madalas hawakan ng ibang tao
Source: https://laginghanda.gov.ph/health/how-to-contain-covid-19