Naki-jamming ang mga QCitizen sa Post-Valentine and Thanksgiving Concert ng District 4, ang unang isinagawang outdoor concert simula nang magkaroon ng pandemya.
Tumugtog ang mga kilalang banda at performers tulad ng Bandang Lapis, Overflow Band, at Julian Trono. May Battle of the Bands din tampok ang mga talentadong QCitizens.
Pinaunlakan nina Mayor Joy Belmonte, Rep. Bong Suntay, Coun. Hero Bautista, Coun. Marra Suntay, Coun. Ivy Lagman, Coun. Irene Belmonte, former councilor Janet Malaya, at Mr. Egay Yap ang outdoor concert, na dinaluhan din nina Coun. Candy Medina, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Jun Ferrer, at ilang department heads.
Bago ang concert, siniguro ng lungsod na vaccinated at sumusunod sa minimum health protocols ang mga dumalo.
Ayon kay Mayor Joy, ang concert ay isinagawa bilang pagpapasalamat sa mga QCitizen na naging kaagapay ng lungsod sa matagumpay na pandemic response, mula sa pagsunod sa health protocols hanggang sa pagpapabakuna. Nang dahil dito, natamo ng lungsod ang tuluyang pagbaba ng mga kaso ng Covid 19 at pinaghahandaan na din nito ang posibleng pag downgrade ng NCR sa Alert Level 1.




















