
Nanumpa na ang mga bagong opisyal ng Quezon City Tripartite Industrial Peace Council (QC-TIPC) na nagtataguyod sa karapatan at bumubuo ng polisiya para sa kapakanan ng mga manggagawa at namamahala sa pribadong sektor. Binubuo ito ng tatlong sektor ang government, labor at management.
Nagsilbing inducting officer ng QC-TIPC si Mayor Joy Belmonte, na sinaksihan nina Department of Labor and Employment – QC Director Engr. Martin Jequinto, at QC Public Employment Service Office Head Rogelio Reyes.
Simula nang maitatag noong 2012, kaagapay na ng lungsod ang konseho sa pagpapaabot ng mga serbisyo ng QC sa mga manggagawa. Kabilang na rito ang pag-aassist sa vaccination program, at pagbibigay ng tulong sa mga na-retrench na empleyado noong panahon ng pandemya.











