
Good news, QCitizens!
Noong Huwebes, March 31, 2022 naitala ng ating lungsod ang bago nitong all-time low na 151 na aktibong kaso ng COVID-19, walang bagong pagkamatay, at nasa 16 na lamang ang naitatalang average na bagong kaso kada araw.
Sa 142 na barangay sa lungsod, mayroon na ngayong 53 barangay o 37% na walang aktibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo.
Ang mga kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay patuloy na bumababa dahil sa walang patid na #QCProtekTODO Vaccination Program bilang proteksyon para sa mga mga residente at manggagawa, gayundin ang ibayong pag-iingat ng QCitizens.
Kahit nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng kaso sa ating lungsod, huwag maging kampante! Patuloy na sumunod sa minimum health protocols.