
Vaccination Schedule – August 23-28, 2022
August 23, 2022Maaari nang mag-book ng first dose, missed second dose (defaulter), at booster shot ang mga edad 18 taong gulang pataas.
Habang first dose, missed second dose (defaulter), at first booster shot para sa 12-17 years old. First dose at missed second dose (defaulter) naman para sa mga batang edad 5-11 years old.
PARA SA FIRST BOOSTER SHOT:
INTERVAL MULA SA SECOND DOSE
• Para sa edad 18 taong gulang pataas – 3 buwan
• Para sa mga indibidwal na nabakunahan ng Janssen – 2 buwan
• Para sa 12 – 17 taong gulang – 5 buwan at kung kabilang sa immunocompromised group – 28 araw
PARA SA SECOND BOOSTER SHOT:
INTERVAL MULA SA FIRST BOOSTER
• Para sa edad 18 taong gulang pataas – 4 buwan
• Para sa edad 18 taong gulang pataas na may komorbididad at indibidwal na immunocompromised – 3 buwan
Para sa magpapabakuna ng second dose at booster shot, dalhin lang ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card.
Magrehistro sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) at pumili sa vaccination sites at schedule.
Pumunta sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.
Tatanggap lamang po ng walk-ins ang mga vaccination site simula alas-tres ng hapon (3:00PM).
Tingnan dito ang gabay at mga dapat malaman tungkol sa 2nd booster shot:
For Immunocompromised Individuals:
https://www.facebook.com/100069139452704/posts/299753465672633/?d=n
For Senior Citizens and Frontline Health Workers:
https://www.facebook.com/QCGov/posts/316795683968411
For all adults aged 50 and above and individuals 18-49 with comorbidities: https://www.facebook.com/QCGov/posts/363947989253180
Maraming salamat po.




