Nabigyan ng pagkakataon si Mayor Joy Belmonte na makadaupang palad ang mga alkalde na kalahok sa C40 World Mayors Summit 2022 sa Argentina.
Layunin ng pagtitipon na ito na kilalanin ang mga magagandang programa at polisiya na pinangunahan ng mga mayor mula sa iba-ibang panig ng mundo upang matugunan ang climate change.
Nakipagpulong sina Mayor Joy Belmonte at QC Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman kay Dhaka South Mayor Sheikh Faizle Noor Taposh upang mapalalim pa ang ugnayan at magpalitan ng kaalaman ukol sa sustainable development programs ng bawat lungsod.
Nakipag-dayalogo rin siya kina Seattle Mayor Bruce Harrell, Athens Mayor Kostas Bakoyannis, Bogotá Mayor Claudia López, Warsaw Mayor Rafał Trzaskows, Cape Town Deputy Mayor Eddie Andrews, Accra Mayor Elizabeth Tawiah Sackey, Los Angeles Mayor Eric Garcetti, Miami-Dade Mayor Daniella Levine Cava, at sa iba pang mga kapwa niya leader mula sa iba-ibang bansa.
Kasama rin ni Mayor Joy sa C40 Summit sina Coun. Irene Belmonte, Coun. Kate Galang-Coseteng, Investment Affairs Office Chief Jay Gatmaitan, at Youth Development Office OIC Lyn Dividina.




















