Ginawaran ng Barangay Seal of Good Housekeeping (BSGH) Gawad Dangal ng Lungsod ang Brgy. Batasan Hills habang BSGH Hall of Famer naman ang Brgy. Commonwealth sa ginanap na flag raising ceremony ngayong araw.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagbibigay ng parangal at tinanggap naman ito nina PB Jojo Abad at PB Manuel Co.
Ang QC BSGH award ay iginagawad sa mga natatanging barangay council na nagpakita ng mabuting pamamahala para sa kanilang nasasakupan.
Congratulations sa ating mga barangay!

