Upang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa vaccine-preventable diseases, inilunsad ng Quezon City Government sa pangunguna ng QC Health Department, Department of Education, at Department of Health (DOH) ang Human Papilloma Virus (HPV) immunization program para sa mga babaeng mag-aaral ng lungsod.
Sa ceremonial vaccination ngayong umaga sa Esteban Abada Elementary School, binakunahan ang aabot sa 75 estudyante edad 9 to 13 upang maiwasan ang HPV na pangunahing dahilan ng cervical cancer. Bawat batang binakunahan ay mayroong consent mula sa kanilang magulang o guardian.
Naging saksi rin sa seremonya ngayong umaga ang mga kinatawan mula sa Philippine Gynecological Society, Cancer Warriors Foundation, Schools Division Office of Quezon City, at MSD Philippines.
Para sa mga magulang o guardian na nais pabakunahan ang kanilang anak laban sa HPV, maaaring magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
