Sa QC, tayo ay future-ready!
Isang pagbati para sa pamunuan ng ST Telemedia sa makasaysayang groundbreaking ceremony ng STT Global Data Center na magiging isa sa pinakamalaking data center sa bansa.
Katuwang ng ST Telemedia ang Globe Telecom at Ayala Corporation, sa pagtatayo ng pinakamalaki, sustainable, interconnected, carrier-neutral data center dito mismo sa QC. Makatutulong ito para sa pagpapabilis ng day-to-day operations ng mga negosyo at para makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa kanilang mga customers.
Pinangunahan ang groundbreaking ceremony nina Mayor Joy Belmonte, Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, Globe Telecom President and CEO Ernest Cu, Globe CFO Rizza Eala, Department of Information and Communications Technology Sec. Ivan John Uy, STT GDC Philippines President and CEO Carlo Malana, at STT GDC Group CEO Bruno Lopez.










