“MAKI-BEKI, WAG MA-SHOKOT”
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month, naging makulay ang idinaos na “IpagLOVEan Equality Rally,” ng Lagablab LGBT Network at kasama ang equality advocates sa Boy Scout Circle, Tomas Morato.
Tuloy-tuloy din ang panawagan ng mga advocate na maipasa na ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill sa kongreso.
Isinusulong ng Lungsod Quezon na maprotektahan ang mga karapatan ng lahat ng QCitizens mula sa diskriminasyon anuman ang kanilang SOGIE at maiwasan ang gender-based violence sa QC.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga nakiisa sa rally, umalalay ang Lungsod kasama ang Traffic and Transport Management Department, Department of Public Order and Safety, Quezon City Police District, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nagkaroon din ng drag performance ang local Drag Queens sa kanilang pagtitipon.











