Nakipagkasundo ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Lokal na Pamahalaan para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM) sa Pamahalaan Program.
Magtatayo ang GSIS ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka nangangailangang GSIS members. Sisiguraduhin naman ng Quezon City Government at pamunuan ng Barangay Fairview na mabibigyan ng in-city relocation ang mga maaapektuhang pamilya.
Ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ay bahagi ng selebrasyon ng ika-86 anibersaryo ng pagkakatatag ng GSIS, na pinaunlakan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Lumagda sa MOA sina GSIS President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, Vice Mayor Gian Sotto, Chief of Staff Rowena Macatao, at Barangay Fairview Chairperson Jonel Quebal na sinaksihan ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Ramon Asprer at HCDRD Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero.







