QCitizens, maaari niyo nang mabili nang mas mura at makakalikasan ang mga produkto gaya ng Fabric Softener, at Dishwashing Liquid sa inyong suking tindahan!
Ngayong hapon, pormal nang inilunsad ng Quezon City Government, Greenpeace Philippines, at Impact Hub Manila ang “Kuha sa Tingi” program na nagbibigay ng abot-kaya, at eco-friendly na alternatibo sa mga produktong nabibili nang naka-sachet o single-use plastic.
Sa ilalim ng programa, maaari nang mag-refill ng fabric softener, dishwashing liquid, multipurpose cleaner, at liquid detergent sa 30 pilot Tindahan ni Ate Joy sari-sari stores sa ninanais na dami. Sa Kuha sa Tingi, ang 30ML na liquid detergent ay mabibili lang ng 4 pesos, kumpara sa 13 pesos na naka-sachet.
Makakatulong din ang programa sa kampanya ng lungsod sa pagbabawas at pagli-limit ng plastic waste.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Greenpeace Philippines Zero Waste Campaigner Marian Ledesma, at Impact Hub Manila Founder and CEO Ces Rondario ang pumirma sa Memorandum of Understanding na sinaksihan nina Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) chief Richard Santuile, Gender and Development TWG Office chief Janet Oviedo, at mga TNJ beneficiaries.



