Kinilala ng pamahalaang lungsod ang “eco-warrior” na si Nanay Naly Albino ng Barangay Culiat na aktibong nakikibahagi sa Trash to Cashback program.
Si Nanay Naly ay bumida sa Transforming Cities series ng C40 Cities, kung saan ipinakita niya kung paano niya pino-protektahan at pinapangalagaan ang kalikasan sa sarili niyang paraan.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at department heads ang nagbigay ng certificiate of appreciation kay Nanay Naly at sa mga partners ng lungsod na Basic Environmental System Technologies, Inc (BEST) at Meralco.
