Bumisita sa Quezon City Hall ang mga opisyal ng Everise Philippines, isang Business Process Outsourcing (BPO) company.
Ipinaliwanag ni Mayor Joy Belmonte sa kanila ang Learning Recovery Program ng lungsod na isa sa pinaka-prayoridad na programa para matugunan ang education crisis na lumala dahil sa pandemya. Ipinahayag ng Everise PH na handa silang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Naimbitahan din ang alkalde na dumalo sa opening ng microsite ng Everise sa Araneta City sa Cubao.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Everise Philippines VP for Operations Kristine Bondoc, VP of Human Resources Ma Ann Reyes, at Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan.

