Nag-alay ng bulaklak ang mga kinatawan ng pamahalaan bilang paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin ngayong araw.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang wreath-laying ceremony kasama ang panauhing pandangal na si Dr. Ma. Luisa Camagay ng Philippine Historical Association at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Emmanuel Calairo.
Nakiisa rin sa okasyon sina District 1 Rep. Arjo Atayde, Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Charm Ferrer, Action Officer Ollie Belmonte, Schools Division Office Superintendent Ms. Carleen Sedilla, QC Police District Chief Directorial Staff PCol. Amante Daro, at Barangay Bahay Toro Chairman Dennis Caboboy.
Binigyang-diin ni Mayor Belmonte ang kahalagahan ng pag-alala sa ating kasaysayan at ang mga aral na maaari nating mapagtanto. Dagdag pa niya, nararapat lamang na isabuhay ang katapangan na ipinamalas ng ating mga bayani at ang patuloy na pagsulong sa karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.




