Marhay na aldaw sa indo gabos!
Bumisita ang Albay Provincial Information Office sa Quezon City para malaman ang best practices ng lungsod pagdating sa information dissemination.
Sa pangunguna ni Albay PIO Head and OIC Provincial Administrator Atty. Marylou Duka-Castillo, mainit na tinanggap ng QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ang team Albay PIO. Isa-isang nag-present ang mga division ng PAISD para ibahagi ang mga proyekto, proseso at mga nagawa ng department sa pagbuo ng communication materials para sa Lungsod Quezon.
Pinasilip rin ng PAISD ang studio kung saan ginaganap ang Usapang QC, ang award-winning bi-monthly infotainment talkshow ng QC.




