Aabot sa 44 QCitizens ang naisakatuparan na ang pangarap na magkaroon ng katiyakan sa paninirahan, sa pamamagitan ng Direct Sale program ng Quezon City Government.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng land titles sa mga benepisyaryo mula Barangay Bungad, Bagong Silangan, Payatas, Escopa III, Bagumbuhay, Sta. Lucia, Kaligayahan, Novaliches Proper, Fairview, at Baesa.
Sa ilalim ng direct sale program, ang mga residenteng matagal nang naninirahan sa lote na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod ay bibigyan ng pagkakataon na maging legal na may-ari ng lupa sa pamamagitan ng pagbabayad sa katumbas na presyo ng lupa alinsunod sa terms of payment.




