Sinimulan na ng Quezon City Government ang pamamahagi ng school supplies sa mga pampublikong paaralan sa lungsod!
Ngayong araw, mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng learning packets sa mga mag-aaral sa Esteban Abada Elementary School, Lucas R. Pascual Memorial Elementary School, Rosa L. Susano Elementary School, Payatas C Elementary School, Cubao Elementary School, at Pinyahan Elementary School.
Aabot sa mahigit 458,000 school supplies ang ipapamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga public school.
Ang mga estudyante mula Grade 1 hanggang Senior High School ay makakatanggap ng tablet, base sa konsultasyon na isinagawa kasama ang Schools Division Office. Isasailalim sila sa eye check-up para malaman kung kailangan nila ng salamin.
Patuloy naman ang pagsasaayos ng lungsod sa mga pasilidad at equipment ng mga paaralan.
Kasama ng alkalde sa pamamahagi ng schools supplies sina District 4 Rep. Marvin Rillo, Coun. Aly Medalla, School Division Superindent Carlene Sedilla, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, district action officers, at mga opisyal ng barangay.




