Namahagi ng mga N95 mask ang Office of the City Mayor at QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa iba-ibang opisina ng Quezon City Hall at sa mga kawaning nakatalaga sa labas ng opisina.
Ito ay para maprotektahan ang mga kawani at QCitizens sa epekto ng smog na dulot ng polusyon sa hangin.
Paalala sa mga QCitizen, limitahan ang paglabas ng tahanan. Kung kinakailanganG lumabas, magsuot ng N95 face mask.
Agad namang magtungo sa pinakamalapit na pagamutan o ospital sakaling makaramdam ng hirap sa paghinga o iba pang kondisyong dulot ng smog.
Para sa emergencies, tumawag lamang sa Helpline 122.




