Kinilala ng Quezon City Council ang QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) para sa natatangi nitong kontribusyon sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon sa mga QCitizen.
Noong Hunyo, kinilala sa Asia Pacific Broadcasting+ Awards 2023 ang programa ng QC PAISD na “Usapang QC” dahil sa paghahatid nito ng impormasyon tungkol sa iba-ibang serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Joseph Juico, at mga konsehal ang nagbigay ng City Resolution SP-9329 S-2023 kay PAISD Head Bert Apostol at staff.
Ang Usapang QC ang natatanging bi-monthly talk show sa bansa na ipinapalabas sa Quezon City Government Facebook page.


