Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Council Resolution mula sa Munisipalidad ng Sablayan, Occidental Mindoro na nagbibigay pagpapahalaga sa naging tulong ng Lungsod Quezon at ng alkalde sa mga Sablayeños na naging biktima ng sunog sa Tandang Sora nitong Agosto 31, 2023.
Mismong si Sablayan, Occidental Mindoro Mayor Walter B. Marquez ang nag-abot kay Mayor Joy ng resolution sa idinaos na Mayors for Good Governance Assembly and Collaborative Planning kagabi.
Bukod sa tulong pinansyal na ipinaabot ng Lungsod Quezon sa mga pamilya ng biktima, tutulungan din sila kung nais nilang magsampa ng civil cases laban sa mga may-ari ng natupok na establisyemento.

