Bumisita kay Mayor Joy Belmonte si Philippine Ambassador to Denmark Leo Herra-Lim at kanyang kabiyak na si Fidelis Herrera-Lim ngayong araw.
Kasama sina Councilor Wency Lagumbay at Councilor Doray Delarmente, tinalakay sa kanilang pagpupulong ang posibleng green programs and projects na gagawin sa Lungsod Quezon. Kabilang dito ang paggamit ng renewable energy, clean fuel, pagsasaayos ng government building upang mabawasan ang energy consuption nito, at ang karagdagang electric vehicles sa QC.
Dumalo rin sa pagtanggap ng mga bisita sina Councilor Marra Suntay, Councilor Anton Reyes, Councilor Candy Medina, at Councilor TJ Calalay.




