Dama na ang nalalapit na kapaskuhan sa Lungsod Quezon!
Pinailawan na ng SM City Fairview ang kanilang Christmas Centerpiece na may temang “Dazzling Holidays” ngayong gabi.
Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Councilor Ram Medalla kasama si Councilor Alfred Vargas.
Sa talumpati ni Coun. Medalla, pinasalamatan niya ang SM dahil sa pagiging partner ng lokal na pamahalaan sa iba-ibang programang para sa QCitizens.
Tara na QCitizens, bisitahin at magpa-picture sa makukulay at naglalakihang palamuti sa Mall Atrium ng SM Fairview!




