Handang-handa na ang SM City North Edsa Skydome para sa isasagawang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lungsod Quezon na gaganapin bukas, Oktubre 30, 2023.
Isa ang SM City North Edsa sa tatlong mall sa QC na sa kauna-unahang pagkakataon ay magsisilbing polling centers.
Kabilang dito ang Robinsons Magnolia at sa SM City Fairview.




