Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na regular session ng City Development Council (CDC) kasama ang 142 newly-elected and re-elected QC barangay officials, civil society organizations, at concerned departments ngayong araw.
Nag-oath taking ceremony din ang mga bagong halal na punong barangay sa lungsod upang maging bagong miyembro ng CDC.
Pinagpulungan ng CDC ang long-term outward at inward visions nito para sa Lungsod Quezon. Kasama sa outward vision ang ninanais ng QC na magsilbing Green Lung ng Metro Manila, ang pagiging knowledge capital ng bansa, at makamit ang pagiging health and wellness center sa buong Southeast Asia.
Bahagi naman ng inward vision ang pagsisigurong empowered ang mga QCitizen, pagkakaroon ng inklusibong ekonomiya, sustainable at livable environment, at ang pagpapanatili ng good governance sa lokal na pamahalaan.
Pinag-usapan din ang updates ng CDC patungkol sa isinasagawang Community-based Monitoring System, ang QC Local Development Investment Program, at ang 15-minute City Concept na isinusulong ng lungsod.
Dumalo rin sa regular session sina District 1 Rep. Arjo Atayde, Coun. Freddy Roxas, Coun. Shay Liban, City Planning and Development Department (CPDD) head Arch. Pedro Rodriguez, CPDD Acting Assistant Department head Dr. Jose Gomez, Assistant City Administrator (ACA) Alberto Kimpo, at ACA Atty. Rene Grapilon.




