Ngayong National Children’s Month, isinagawa ang 4th Quarterly Meeting ng Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor o QC-PIC sa pangunguna ni Public Employment Service Office Head Rogelio L. Reyes.
Pinag-usapan sa pulong ang pagbuo ng mga hakbang tungo sa mas epektibong kampanya at mekanismo laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Tinalakay din ang pagpapalawig ng ZERO Child Labor Campaign sa mga barangay, at iba pang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Nakiisa sa programa sina World Vision – Project Against Child Exploitation Director Daphne Culanag, Norwegian Mission Alliance Country Director Karin Riska, Diocese of Novaliches Lay Coordinator Ms. Ruby Tamores at Mr. Ryan Roberto Delos Reyes ng DOLE-NCR.
Sa pagtutulungan ng iba-ibang ahensya at organisasyon, layon ng lungsod na matupad ang mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng mga bata.




