Umani ng mga parangal ang pamahalaang lungsod sa ginanap na National Bike Day Awards and Recognition 2023 ng Department of Transportation (DOTr) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Iloilo City.
Kinilala bilang Notable Public Official si Mayor Joy Belmonte dahil sa kanyang adbokasiya na magkaroon ng mas maayos at ligtas na bike lanes at isulong ang sustainable at alternatibong transportasyon sa lungsod. Nakatanggap ng iba pang award ang QC sa mga sumusunod na kategorya:
•Bike Lane Infrastructure Quality Award
•Main Category: Gold Awardee
Personal na tinanggap ni Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo ang mga parangal bilang kinatawan ni Mayor Joy.
Matatandaang nagkamit rin ng Gold Award ang Quezon City sa ginanap na Mobility Awards nitong 24 November 2023.
Patunay ito sa tuloy-tuloy na pagpapaibayo ng Lungsod sa Active Transportation at sa pagpapababa ng carbon emissions ng Lungsod sang-ayon sa commitment nito sa C40 Cities.




