LIBRENG SAKAY
Tuloy-tuloy ang libreng sakay hatid ng ating Q City Bus at iba-ibang departamento para alalayan ang mga QCitizen na apektado ng transport strike, na ikinasa ng iba-ibang transport groups bilang pagtutol sa jeepney phaseout.
Handa ang walong ruta ng mga bus na maghatid ng mga pasahero paikot sa lungsod.
Naglagay na ng Incident Command Post ang Pamahalaang Lungsod para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa kalsada.
Nakaantabay rin ang mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS), General Services Department (GSD), Quezon City Police District (QCPD) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) para umalalay sa mga stranded na pasahero.




