May mas malalim na kahulugan ang Christmas party na idinaos ng Public Employment Service Office para sa mga batang biktima ng child labor.
Sa maayos na pagkikipag ugnayan at tulungan sa mga partner agencies, nakapagbahagi ang lokal na pamahalaan ng mga pamaskong regalo sa 450 Child Laborers.
Nakiisa ang mga myembro ng Quezon City Tripartite Industrial Peace Council (QC-TIPC) tulad ng St. Luke’s Medical Center Management and Employees Association, Jollibee Foods Corporation – Kilusang Jollibee Union, FEU – NRMF Employees Association. Nagbahagi naman ng school supplies ang DOLE National Capital Region at DOLE – Bureau of Workers with Special Concerns.
Nag-uwi rin ng grocery packs ang mga child laborers mula kay QC Mayor Joy Belmonte.
Hangad ng lungsod Quezon na ang simpleng mga regalo ay magdulot ng malaking ngiti sa kanilang labi at saya sa kanilang puso.
Napili ang mga benepisyaryo mula sa mga naitala sa malawakang child labor profiling ng lungsod.




