SAFE QC BIKE LANES!
Upang maprotektahan ang mga QCitizens na gumagamit ng Quezon City (QC) Bike Lane Network, inumpisahan na lokal na pamahalaan ang paglalagay ng mga concrete plant boxes sa gilid ng bike lanes sa buong lungsod.
Makikita rin ang patuloy na paggamit ng mga bikers sa mga nauna nang inilagay na bike ramps sa mga footbridge sa lungsod upang umagapay sa kanilang ligtas na pagtawid sa mga highways.
Ang proyektong ito ay bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte na mapalawak, makapagdagdag, at gawing ligtas ang mga bike lanes at open and green spaces sa QC.
Buo ang suporta ng QC Gov’t sa active mobility at alternative transportation na nakatutulong upang mabawasan ang carbon footprint at ang posibleng epekto ng pabago-bagong klima.




