Bago matapos ang taon, 40 magulang at kaanak ng mga child laborer ang tumanggap ng bigasan at nego-cart sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP.
Layunin ng DILEEP na matulungan ang bawat pamilya na matustusan ang mga pangunahing pangangailangan at tuluyan nang maialis ang kanilang mga anak bilang child laborers.
Napili ang mga benepisyaryo mula sa mga naitala sa malawakang child labor profiling ng lungsod. Pumirma din sila ng kasunduan na tuluyan na nilang ipagbabawal na bumalik sa kalsada ang kanilang mga anak upang magtrabaho.
Isa sa sa mga prayoridad ng pamahalaang lungsod ang sugpuin ang child labor matapos aprubahan ni Mayor Joy Belmonte ang dalawang Ordinansa na layuning wakasan ito.




