MALIGAYANG KAARAWAN, TANDANG SORA!
Ipinagdiwang ng lokal na pamahalaan ang ika-212 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino ngayong araw sa Tandang Sora National Shrine na matatagpuan sa Barangay Tandang Sora.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng tinaguriang ina ng rebolusyon.
Ayon sa Alkalde, mahalagang paalala ang mga naging kontribusyon ni Tandang Sora sa bawat Pilipino, na hindi hadlang ang edad at kasarian upang makatulong sa kapwa at maging mahalagang bahagi ng ating kasaysayan.
Nakiisa rin sa pag-alay ng bulaklak sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Councilor Banjo Pilar, Councilor Vic Bernardo, National Historical Commission of the Philippines Chairman Dr. Emmanuel Calairo, National Commission for Culture and the Arts Rep. Vanessa Nicolas, Chief of Staff Rowena Macatao, Assistant City Administrator (ACA) Alberto Kimpo, ACA Rene Grapilon, QC Police District Director PBGEN. Redrico Maranan, Bureau of Fire Protection – Quezon City District Fire Marshall FSSupt. Flor-Ian Guerrero Flor-Ian Guerrero, Schools Division Superindentent Carleen Sedilla, QC Department heads, Barangay Tandang Sora P/B Marlou Ulanday, Women’s Action for Integrity and Success (WAIS) head Marilyn Torevillas, ang Samahan ng mga Apo ni Tandang Sora, at mga kasapi ng Knights of Columbus.




