Napili ng Kahel Press ang Quezon City Public Library (QCPL) upang ilunsad ang kanilang bagong limbag na librong “Too Loud: Soothing Sensory Overload with Music” ngayong araw.
Layon ng picture book na ito na mapalawak pa ang kaalaman ng QCitizens patungkol sa mga kabataang may autism at dinadanas nilang sensory overload.
Binuo ito ng mga autism awareness advocates at author na si Bambi Eloriaga-Amago, iginuhit ni Arthur Riel Cabezas, at isinalin sa Filipino ni Mark Daniel Fortaleza.
Dumalo rin sa programa sina QCPL Assistant City Librarian Mary Ann Bernal, Persons With Disability Affairs Office head Debbie Dacanay, Project Inclusion Network Executive Director Grant Javier, Dean Alfred Narra mula sa National Book Development Board, artist Vico Cham, at Kahel Press Editor Ruth Catabijan.
Nag donate rin ang Kahel Press ng mga kopya nito na maaari nang mabasa ng mga QCitizens sa QCPL.




