Nagsagawa ng ‘Repolyo Food Rescue’ ang QC 2023 Gawad Parangal Awardee na Tanging Yaman Foundation at QC Food Security Task Force bilang pag-alalay sa mga magsasaka mula Mountain Province.
Bumaba ng husto ang presyo ng repolyo dahil sa sobrang produksyon nito. Kaya hindi sulit na anihin pa ito ng mga magsasaka at ibiyahe para maibenta. Ang mga hindi na nabentang repolyo ay balak itapon na lamang.
Ipapamahagi ang 4.5 toneladang nasagip na repolyo sa mga pinaka-nangangailangang residente mula sa 142 barangays sa lungsod
Katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte sa pagtukoy ng mga lugar kung saan ipapamamahagi ang mga gulay sa pamamagitan ng task force.




