Mainit na tinanggap ng mga kawani ng Public Affairs and Information Services Department ang mga campus journalist mula sa Philippine Science High School – Main Campus para ibahagi ang mga hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay-impormasyon sa publiko.
ICYMI: Pinangunahan ng kanilang adviser na si Ginoong Efren Domingo ang mga mag-aaral sa pagkikinig sa best practices ng lokal na pamahalaan sa larangan ng pamamahayag.
Naging highlight ng kanilang pagbisita ang paggamit ng PAISD Studio kung saan ginaganap ang Usapang QC, ang award-winning live public affairs show ng QC Government.




