Napirmahan na ang Memorandum Of Agreement (MOA) sa pagitan ng Quezon City Government at Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa paglalagay ng Negosyo Center sa lungsod.
Layon nitong mas maging madali para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang pagproseso ng mga permit at iba pang dokumento.
Ang Negosyo Center ay matatagpuan sa Business One-Stop-Shop sa Business Permits and Licensing Department (BPLD) sa loob ng City Hall.




